Ang mga guro ng unibersidad at kolehiyo na nagtuturo at naghihikayat sa kanilang mga estudyante na magrebelde ay maaring i-contempt at kasuhan ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde.
Ito ang inihayag ni Albayalde kasunod ng pagbubunyag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa 18 unibersidad at kolehiyo sa Metro Manila kung saan aktibo ang recruitment ng CPP-NPA ng mga estudyante para sa “Red October” ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, kung may maling naituturo sa mga estudyante na maaaring nakakalason ng kanilang isipan para lumaban sa pamahalaan ay nararapat na maremedyohan ito.
“Kung kami nga nagpapakamatay na para sa ating bansa. We are trying to save generations dito, and yet ganoon ang mga itinuturo natin sa ating mga estudyante,” ani PNP Chief.
Ipinaalala din ni Albayalde sa mga estudyante na huwag tangkain na magrebelde sa kasalukuyang gobyerno na nagbibigay sa kanila ng libreng edukasyon.
SOURCE : philnetizen
Loading...
0 comments: