Monday, June 25, 2018

Breaking News | 6 pulis patay, 9 sugatan sa ‘misencounter’ ng PNP at militar sa Samar

6 pulis patay, 9 sugatan sa ‘misencounter’ ng PNP at militar sa Samar
June 25, 2018 Balitang Kawal
ADVERTISEMENT

TACLOBAN CITY – Nag-iwan ng anim na pulis na patay at siyam na sugatan sa umano’y nangyaring misencounter sa pagitan ng mga kasapi ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Sitio Lunoy, Brgy. San Roque, Sta. Rita, Samar.
Sa inisyal na ulat, naganap umano ang insidente nitong Lunes ng alas-9:27 ng umaga kung saan nagkasagupa ang ilang mga tauhan ng 805th MC, RMFB-8 at mga miyembro ng 87th Infantry Battalion (IB).
Una rito, nagsasagawa umano ng minor combat operations ang mga PNP personnel sa nasabing lugar nang nasagupa sila ng mga elemento ng 87th IB.
ADVERTISEMENT



Kabilang umano sa mga napatay ay sina PO1 Phil Rey Mendigo, PO1 Edwin Ebrado, PO1 Wyndell Normor, PO1 Rowel Reyes, PO1 Julie Escalo at PO1 Julius Suarez.
Habang kasama naman sa mga sugatan sina PO1 Romulo Cordero, PO1 Elmer Pan, PO1 Jaime Galoy, PO1 Rey Barbosa, PO1 Jonel Gonzaga, PO1 Cris Angelo Pialogo, PO1 Janmark Adones, PO1 Romel Bagunas at PO1 Roden Goden.
ADVERTISEMENT

Sa ngayon ay bumuo na ang PNP ng Special Investigation Task Group upang siyasatin ang pangyayari.
Nagsagawa na rin ng hiwalay na imbestigasyon ang hanay naman ng militar sa naturang hindi inaasahang pangyayari.


#Bmbk
Photo credit owner
SOURCE: Balitang KAWAL muna
Loading...

SHARE THIS

Author:

0 comments: